Bumisita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahapon sa Malacañang si United Kingdom Foreign Secretary James Cleverly.
Pinag-usapan sa pulong ng dalawa ang lalo pang pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.
Ayon kay Cleverly, alam niyang nakatutok si Pangulong Marcos sa panghihikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
Kaya naman kinausap niya ang kanilang ambassador tungkol sa UK export finance facility na maaaring manghikayat ng mga kumpanya sa UK para mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon pa sa UK Foreign Secretary, nakahanda rin silang makipagtulungan sa mga hakbang ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagtugon sa climate change at renewable energy.
Maging ang alyansa at partnership din ng Pilipinas at UK pagdating sa usapin ng defense and security ay posible ring mangyari sa mga susunod na panahon.