Pilipinas at US companies, pinagtibay ang pagtutulungan para sa dagdag na trabaho at upskilling ng mga Pilipino

Pinagtibay ng Pilipinas at mga kompanya ng United States ang pagtutulungan nito para sa inobasyon, dagdag na trabaho, at pagpapalakas ng kakayahan ng mga Pilipino.

Sa courtesy call ni US Secretary of Commerce Gina Raimondo at ng US Presidential Trade and Investment Mission (PTIM) delegates, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pag-asa na mapaigting pa ang ugnayan ng Pilipinas at US tungo sa mas matatag na ekonomiya ng dalawang bansa.

Nais din aniya ng pangulo na palakasin pa ang pagtutulungan sa US, na isa sa top trading partners ng Pilipinas, sa kalakalan, pamumuhunan, imprastraktura, enerhiya, at iba pa.


Inasahan din ni Pangulo Marcos ang kanyang muling pakikiisa sa delegasyon sa darating na Mayo para sa 6th annual Indo-Pacific Business Forum dito sa bansa.

Kabilang sa delegasyon ng trade mission ay Sina Steve Brown, President ng Greenfire Energy, Inc.; Sapna Chadha, Vice President, Southeast Asia and South Asia Frontier, Google Asia Pacific; Chris Clark, Chairman, Asia Pacific, Visa, Inc.; Mark Elin, Chairman, President’s Export Council; Allan Pineda aka apl. De. Ap, Founder, Apl. De. Ap Foundation International at iba pang malaking negosyante sa Amerika.

Facebook Comments