Thursday, January 15, 2026

Pilipinas at US, lumagda sa kasunduan para sa railway project

Asahang mas lalakas pa ang kalakalan at economic development sa buong bansa matapos lagdaan ng Pilipinas at Amerika ang kasunduan para sa pag-develop ng Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Railway.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang proyekto para sa nasabing kasunduan ay nilagdaan nina Transportation Secretary Vince Dizon at USTDA acting Director Thomas Harding.

Ang SCMB Railway ang magdurugtong sa tatlong major ports ng bansa, kabilang ang Subic Bay.

Nakikita aniyang solusyon ang SCMB Railway sa pag-decentralize ng port activity at pagbawas sa port congestion.

Kasado na rin ang pondo mula sa US Trade and Development Agency para sa 155-kilometer railway project.

Facebook Comments