Tanging ang Pilipinas at Venezuela na lamang ang natitirang bansa sa buong mundo na hindi pa ibinabalik ang face-to-face classes.
Kasunod ito ng pagdedesisyon ng Kuwait, Bangladesh at Saudi Arabia na buksan muli ang ilan sa kanilang mga paaralan ngayong buwan.
Ayon kay United Nations Children’s Foundation (UNICEF-Philippines) Chief Isy Faingold, dapat nang unti-unting buksan ng mga paaralan ang in-person class sa boluntaryong paraan.
Sa Kuwait, nasa 1,460 paaralan na ang nagbukas ng klase sa lahat ng antas, habang gagawin rin ito sa Bangladesh para sa ilang grade levels lamang.
Samantala, sa Audi Arabia ay papayagan na ang mga high school student na kumpleto na sa pagpapabakuna na bumalik sa mga silid-aralan, habang magpapatuloy naman ang online classes para sa primary level hanggang Oktubre.