Pilipinas at Vietnam, lalagda sa rice trade agreement para sa food security ng bansa

Lalagda sa isang rice trade agreement ang Pilipinas at Vietnam upang matiyak ang food security sa bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Laurel, halos tapos na ang “draft” para sa naturang rice trade agreement.


Tinitiyak ng kasunduan na magsusuplay ng bigas ang Vietnam sa Pilipinas kahit sa panahon ng kalamidad.

Nakatakda ang state visit ni Pangulong Marcos sa Vietnam sa pagtatapos ng buwan.

Matatandaan na sa pagdalo ng Pangulo sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia, nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na isapinal ang rice trade agreement na magiging epektibo sa loob ng limang taon.

Facebook Comments