Opisyal nang bahagi ang Pilipinas sa isang international consortium na nagsasagawa ng analysis sa lahat ng randomized clinical trial ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa buong mundo.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang global consortium ay pinangungunahan ni Dr. Andrew Hill ng Department of Pharmacology and Therapeutics mula sa University of Liverpool sa United Kingdom (UK).
Mayroong 76 na randomized clinical trials kung saan ine-evaluate ang Ivermectin bilang COVID-19 treatment sa higit 20,000 pasyente sa 30 bansa.
Nasa 11 naman ang randomized trials kung saan ine-evaluate ang Ivermectin bilang prevention sa higit 9,000 participants.
Ang team dito sa Pilipinas ay inatasang magsagawa ng clinical trials sa paggamit ng Ivermectin bilang treatment sa COVID-19 at inaasahang ipi-prisenta ang kanilang pag-aaral sa susunod na linggo.
Ang walong buwang pag-aaral na isasagawa ng research team mula sa University of the Philippines (UP)-Manila – Philippine General Hospital (PGH) sa pangunguna ni Dr. Aileen Wang.