Pilipinas, bahagi ng ASEAN Observer Group na tututok sa Cambodia-Thailand border ceasefire

Magpapadala ang Pilipinas ng limang kinatawan bilang bahagi ng ASEAN Observer Group na tututok sa pagpapatupad ng ceasefire sa tensyonadong border ng Cambodia at Thailand.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakahandang tumulong ang bansa para matiyak ang mapayapang resolusyon sa sigalot ng dalawang kapwa miyembro ng ASEAN.

Giit ng pangulo, hindi papayag ang ASEAN na magpatuloy ang alitan ng sariling mga kasapi, kaya’t kolektibong hakbang ang pagbabantay at pagmo-monitor ng ceasefire.

Dagdag pa ng pangulo, ang pagsali ng Pilipinas sa peace mission ay resulta ng napag-usapan niya kasama ang mga opisyal ng Cambodia sa kanyang katatapos na state visit.

Misyon ng observer group na tiyaking igagalang at susundin ng magkabilang panig ang mga kasunduang mabubuo tungo sa kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments