Aabot sa 20 milyong doses ng bakuna mula sa Sputnik V ng Russia ang balak na bilhin ng Pilipinas sa nasabing bansa.
Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng medical journal na The Lancet na ligtas at 91.6 percent ang pagiging epektibo nito laban sa COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang negosasyon sa nasabing kumpanya.
Inaasahan naman na darating na ang unang delivery ng Sputnik V sa Pilipinas sa Abril sa oras na maaprubahan na ang aplikasyon nito para sa Emergency Use Authorization (EUA).
Sa ngayon, target ng Food and Drug Administration (FDA) na mailabas ngayong Pebrero ang desisyon kaugnay ng EUA ng naturang bakuna.
Facebook Comments