Planong pangunahan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng international solidarity trial sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang anti-viral agent laban sa COVID-19.
Ito ay matapos na maging matagumpay ang clinical trials ng VCO sa bansa kung saan lumabas na mabisa itong food supplements para sa mga COVID-19 patient.
Sa tulong ng VCO, nabawasan ang 60% hanggang 90% ang panganib sa COVID-19 ng mga pasyente.
Ayon kay Ateneo de Manila University Professor Fabian Dayrit, miyembro ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ikinakasa na nila ang pulong sa international coconut community (ICU) para sa pagsasagawa ng global study sa VCO.
Aniya, sakaling matuloy ang international solidarity trial ay malaking tulong din ito sa mga producer ng VCO sa bansa.