Bigo ang Pilipinas na maiangat ang imahe nito sa mundo pagdating sa laban kontra korapsyon.
Batay sa 2020 Corruption Perceptions Index ng Transparency International, hindi nagbago ang index score ng Pilipinas na 34 na nasa ika-115 pwesto nitong 2020 at mas mababa ng dalawang ranking noong 2019.
Nabatid na 45 ang kasalukuyang international average pagdating sa laban kontra korapsyon.
Ayon sa Transparency International, hindi nagbabago ang score ng Pilipinas mula pa noong 2012.
Ipinunto rin ng grupo na may bahid ng pang-aabuso, paglabag sa media freedom at karapatang pantao ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.
Nabatid na ibinase ng Transparency International ang 2020 index score sa datos ng 12 institusyon.
Facebook Comments