Pilipinas, bigong makapasa sa kwalipikasyon ng US aid agency matapos makakuha ng bagsak na marka sa pagkontrol sa korapsyon; Palasyo, dumipensa!

Bigo ang Pilipinas na makuha ang tulong mula sa isang independent American aid agency na Millennium Challenge Corporation (MCC).

Ito ay matapos makakuha ng red mark ang bansa sa MCC’S Fiscal Year 2022 scorecard pagdating sa “control of corruption” na siyang pangunahing requirement sa pagkuha ng grant.

Maliban dito, bagsak din ang bansa sa mga requirement na access to credit, business start-up, rule of law, freedom of information, health expenditures, primary education expenditures, and immunization rates.


Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangan ng bansa ang tulong mula sa dayuhang ahensya.

Dumipensa rin si Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing simula nang maupo ang pangulo ay kailanman hindi nito kinusinte ang korapsyon.

Facebook Comments