Pilipinas, binigyan ng “high” economic strength ng isang int’l credit watcher

Binigyan ng international credit watcher na Moody’s Investors Service na “high” economic strength ang Pilipinas.

Ito ang ibinigay sa credit profile ng bansa matapos makumpleto ng credit watcher ang periodic review nito sa economic dynamics ng Pilipinas.

Ayon kay Moody Vice President, Senior Credit Officer Christian De Guzman – nananatiling matatag ang paglago ng ekonomiya ng bansa kahit mababa ang Gross Domestic Product (GDP) per capital nito.


Binigyan naman ng credit watcher ang “moderate” rating ang bansa pagdating ng institutional strength at fiscal strength.

“Low” assessment naman ang ibinigay sa bansa pagdating sa susceptibility sa domestic political risk at banking sector risk.

Pinuri rin ng Moody ang economic laws na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapalakas sa macroeconomic at financial stability ng Pilipinas.

Kabilang na rito ang New Central Bank Act, SSS Rationalization Act at ang Rice Tariffication Law.

Facebook Comments