Handang tumanggap ang Pilipinas ng mga refugees lalo na ang mga Rohingyas.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng 75th United Nations General Assembly.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na bukas ang bansa sa sinumang refugees.
Nanawagan ang Pangulo na magtulungan ang lahat ng bansa na tapusin ang kaguluhan at mga kondisyong napipilitan ang mga taong umalis sa kanilang mga tahanan.
Hiniling din ni Pangulong Duterte ang mutual understanding at tolerance.
“Mutual understanding always accompanied by mutual tolerance between those of different faiths and cultures is the only foundation of societies at peace with itself and all others,” sabi ng Pangulo.
Ang Rohingyas ay mga muslim na nakatira sa Western Myanmar.
Facebook Comments