Pilipinas, bukas sa pagbili ng bakuna kontra Avian flu mula sa Czech Republic

Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbili ng bakuna sa Avian flu mula sa Czech Republic.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagde-develop na rin ng mga bakuna laban sa swine fever ang Czech kung kaya’t target ng bansa ang procurement nito at magkaroon din ng lokal na produksyon.

Sa huling araw ng pangulo sa Czech Republic, napag-usapan na magiging partner ng Pilipinas ang bansa sa larangan ng agrikultura.


Sa katunayan ay bibisita sa Pilipinas ang mga kinatawan ng Ministry of Agriculture para suportahan ang food security initiatives ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, interesado rin ang Pilipinas sa mga gamot na ginagamit ng Czech Republic para matiyak ang kalidad ng karne at hayop.

Marami rin aniyang makukuhang bagong teknolohiya ang bansa pagdating sa usapin ng livestock.

Facebook Comments