Pilipinas, bukas sa pagtanggap ng international assistance kasunod ng pananalasa ng Bagyong Odette

Makakatulong sa ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo ang iba’t ibang tulong.

Kaya naman sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad kay Pangulong Duterte na may mga bansa nang nagpapaabot ng intensyon na tumulong sa Pilipinas.

Sa ‘Talk to the People’ ng pangulo kagabi, inirekomenda ni Jalad kay Pangulong Duterte na tanggapin na ng bansa ang mga international assistance.


Ilan lamang sa mga bansang nag-aalok ng tulong ay ang Japan, United Kingdom, China, Canada at ang European Union.

Una rito ay nagpasalamat ang Palasyo sa suporta at kahandaan ng international community na magbigay ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Kabilang sa mga nauna nang naghayag ng kahandaang tumulong sa bansa bago pa man humagupit ang bagyo ay ang United Nations at United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Facebook Comments