Pilipinas, bumaba ng limang pwesto sa 2019 Human Freedom Index

Bumaba ang pwesto ng Pilipinas sa 2019 Human Freedom Index.

Base sa report na inilabas at co-published ng Cato Institute, Fraser Institute, at ng Liberales Intitute sa Friedrich naumann Foundation for Freedom, sinuri ang Personal, Civil, at Economic Freedom ng nasa 162 bansa.

Ang Pilipinas ay nakakuha ng markang 6.44 out of 10 sa personal freedom, 7.32 out of 10 naman sa Economic Freedom, habang 6.88 out of 10 sa Human Freedom.


Dahilan ito para mailagay ang bansa 76th place, mula sa dating 71st Place.

Nangunguna sa listahan ang New Zealand, kasunod ang Switzerland at Hongkong.

Ang iba pang bansa na pasok sa top 10 ay ang Canada, Australia, Denmark at Luxembourg, Finland at Germany.

Sa South Asia Region, nasa ikatlong pwesto ang Pilipinas, habang nangunguna sa rehiyon ang Singapore, kasunod ang Cambodia.

Facebook Comments