Pilipinas, bumalik sa “moderate risk” ang COVID-19 classification – DOH

Bumalik muli ang Pilipinas sa “moderate risk” ng COVID-19 dahil sa pagtaas ng infections.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ng 6,029 cases per day mula July 24 hanggang 28.

Mataas ito kumpara sa 5,576 cases noong July 15 hanggang 21.


Nakikitaan din ng upward trend ang Ilocos Region, Cagayan Valley, at Centra Luzon.

Pero sinabi rin ni Vergeire na nagkaroon ng downward trend sa MIMAROPA, at Bicol Region.

Nagpa-plateau naman ang case trend sa Cordillera Administrative Region at CALABARZON.

Nagkakaroon din ng paglobo ng kaso sa Central Visayas habang pababa naman sa Western at Eastern Visayas.

Tumataas naman ang infection sa Northern Mindanao habang pumapatag ang kaso sa Soccsksargen.

Ang pagtaas ng kaso naman sa Metro Manila ay “cause of concern” lalo na at ang positive two-week growth rate ay nasa 19%.

Ang Makati, Las Piñas, Pasay, Taguig, Parañaque, Manila Valenzuela, Navotas, Marikina at Caloocan ay nagkaroon ng pagtaas ng COVID-19 cases.

Ang healthcare utilization rate sa NCR ay nananatiling nasa “low risk”

Sa ngayon, hindi pa ito tinatawag ng DOH na surge.

Facebook Comments