Manila, Philippines – Bumoto ang Pilipinas at 121 bansa kontra sa paggamit ng nuclear weapons.
Layon nito na tuluyang wakasan ang paggamit sa digmaan ng nasabing uri ng armas.
Ayon kay Philippine Permanent Representative to the United Nations (UN) Teodoro Locsin Jr. – pumabor ang Pilipinas sa kasunduan dahil ito ang kinakailangang gawin.
Aniya, paraan ito para madisarmahan na ang mga bansang nagtataglay ng mga mapanirang sandata upang mapanatili ang kapayapaan sa mundo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments