Pilipinas, dapat handa sa Delta variant – OCTA Research

Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan, maging sa pribadong sektor at sa mga komunidad na maghanda sa posibleng impact ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, aabot na sa 17 ang kaso ng Delta variant sa bansa, pero wala pang community transmission.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, dapat itaas pa ang pag-iingat at pagbabantay lalo na at maraming tao na ang pinapayagang lumabas.


“We were vigilant at that time and we did the correct measures to stop the spread. Now that we are on GCQ, actually mas ngayon dapat talaga natin i-increase ang ating vigilance dahil marami nang taong lumalabas than before. We must also protect our borders dahil alam natin na yung mga bagong variants na ito ay nanggagaling din sa ibang bansa,” ani Ong.

Napansin nila na sa bawat bagong COVID-19 variant na kumakalat sa mga komunidad, dito rin tumataas ang mga kaso.

Welcome development din sa OCTA Research ang pagpapanatili ng General Community Quarantine (GCQ) status sa Metro Manila.

Inirerekomenda ng OCTA ang pagpapalawak ng testing, tracing, at isolation, at pagpapalakas ng biosurveillance sa buong bansa.

Hinimok din ng OCTA ang pribadong sektor na tiyaking ang kanilang business establishments at workplaces ay ligtas para sa mga empleyado at customer.

Facebook Comments