Pilipinas, dapat mabilis ang paglalabas ng COVID-19 test results ayon sa WHO

Binigyang diin ng World Health Organization (WHO) ang kahalagahan ng mabilis na paglalabas ng COVID-19 test results.

Layunin nitong hindi maantala ang pagbibigay ng agarang tugon sa pagkontrol ng nakamamatay na sakit.

Ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, importanteng mailabas agad ang resulta ng test para makapagsagawa agad ng contact tracing at mabilis na maikasa ang treatment sa mga infected.


Dapat mapabilis ng Pilipinas ang paglalabas ng COVID-19 test results dahil ang “ideal” turnaround time ay hindi lalagpas sa 24 oras.

Iginiit ni Abeyasinghe na kailangang mabalanse ang pagbubukas ng ekonomiya at pagkontrol ng pandemya.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang kasalukuyang average turnaround time para sa test results ay nasa 24 hanggang 50 oras.

Facebook Comments