Pilipinas, dapat maging exporter ng isda sa halip na umangkat

Hindi makapaniwala si PROMDI presidential candidate Senator Manny Pacquiao sa plano ng Department of Agriculture (DA) na umangkat ng 60,000 metriko toneladang ng isda tulad ng galunggong.

Punto ni Pacquiao, saan ka naman nakakita ng bansang napapaligiran ng mga dagat pero nag-i-import ng mga produktong galing sa dagat.

Paliwanag ni Pacquiao, sobrang kawawa na nga ang ating mga magsasaka dahil sa pagpasok ng napakaraming imported at smuggled na mga bigas at gulay tapos ngayon naman ang mga mangingisda natin ang gustong parusahan.


Diin ni Pacquiao ang pahayag ni Agriculture Secretary William Dar na kinakapos tayo sa suplay ng isda ay nagpapakita na walang kakayahan ang bansa na pamahalaan ng tama ang mayamang aquatic resource ng bansa.

Ayon kay Pacquiao, ang Pilipinas ay napapalibutan ng karagatan at ika-lima sa may pinakamahabang baybayin sa buong mundo na akma sa fishing at aquatic farming.

Ayon kay Pacquiao, dahil dito ang Pilipinas dapat ang maging isa sa mga pangunahing supplier sa buong mundo ng marine at iba pang aquatic products.

Facebook Comments