Pilipinas, dapat maging maingat sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea para maiwasan ang giyera ayon sa isang maritime expert

Dapat maging maingat sa pagpatrolya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para maiwasan ang posibleng giyera sa pagitan ng iba pang bansang umaangkin sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ng maritime expert na si Professor Rommel Banlaoi sa Interview ng RMN Manila kasunod ng pagpapakita ng tapang ng ating Sandatahang Lakas para ipaglaban ang soberenya ng Pilipinas.

Ayon kay Banlaoi, habang nagsasagawa ang lahat ng claimants ng kanilang pagpatrolya sa karagatan ay tumataas din ang tyansa na magkaroon ng aksidente o miscalculation.


Samantala, sa kabila ng pag-giit ng AFP na hindi sila natitinag sa China, ay malabo pa rin aniya na umalis ang mga ito sa ating karagatan dahil naniniwala ang mga China na bahagi rin ito ng kanilang teritoryo.

Facebook Comments