Pilipinas, dapat magkaroon ng Heat-Health Warning System para pagbatayan ng suspensyon ng klase sa gitna ng matinding init ng panahon

Iginiit ni Committee on Welfare of Children Chairperson at BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang pangangailangan na magkaroon ang Pilipinas ng Heat-Health Warning System.

Paliwanag ni Co, makatutulong ito sa pagpapasya ng mga principal ng mga paaralan at mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pagsupinde ng klase dahil sa matinding init ng panahon.

Pinuna ni Co na maging ang local governments ay walang hot weather monitoring na maaaring pagbatayan ng school principals, school superintendents, barangay chairpersons, mga alkalde at gobernador sa pagsuspinde ng klase.


Diin ni Co, taong 2015 ay naglabas ang World Meteorological Organization ng guidance document para sa pagpapatupad ng Heat-Health Warning System Development.

Dito ito ibinatay ng South Africa, Taiwan, Singapore, South Korea, at maraming European countries ang kanilang Heat-Health Warning Systems and Action Plans.

Ayon kay Co, maaring gamitin sa pagbabantay ng mainit na klima ang non-mercury-based electronic thermometers na may electronic monitoring technologies at pwedeng gamitin sa pagbili nito ang local calamity funds.

Facebook Comments