Pilipinas, dapat makipag-alyansa sa ibang bansa laban sa China

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson ang kahalagahan na maging kaisa sa paninindigan laban sa pambu-bully ng China ang international community tulad ng United Nations at mga bansang kasapi ng ASEAN.

Sabi ni Lacson, dapat ang ating gobyerno ay makilahok din sa common stand laban sa China ng ibang bansa na katulad natin ay nag-aangkin din sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Paliwanag ni Lacson, ito ay para magkaroon ng international pressure sa China at mabalanse ang kapangyarihan sa West Philippine Sea.


Bunsod nito ay buo ang suporta ni Lacson sa plano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na talakayin sa ASEAN Defense Ministers meeting ang naganap na pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino fishing boat.

Ipinaalala pa ni Lacson na noon ay nagkasundo na ang ASEAN na magkaroon ng iisang posisyon kaugnay sa territorial dispute sa West Philippine Sea pero lumabnaw ang ating pakikitungo dito.

Ayon kay Lacson, nangyari ito ng pumasok ang Pilipinas at China sa joint exploration bukod pa sa pangingibabaw na personal na interes sa NBN-ZTE deal.

Facebook Comments