Pilipinas, dapat masanay na sa pambu-bully ng China; ginagawang harassment, aaksyunan pa rin ng pamahalaan

Ipinauubuya na ng Department of National Defense (DND) sa National Maritime Council (NMC) kung ano ang gagawing hakbang ng pamahalaan sa pinakahuling harassment ng China sa barko ng Bureau of Fishery and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, paulit-ulit lamang at wala na raw bago sa ginagawa ng China.

Kaya naman dapat aniya itong paghandaan dahil tila wala nang pakialam ang China sa ginagawa nitong pambu-bully kahit paulit-ulit nang sinasabi ng Pilipinas na ilegal ito.


Tiniyak naman ni Teodoro na mayroon silang ginagawang hakbang pero hindi pa ito pwedeng isapubliko kahit pa sabihing sanay na ang Pilipinas sa ginagawa ng China.

Facebook Comments