Pilipinas, dapat na maging mabilis sa pagsita sa mga dayuhang barko na magtatangkang pumasok sa teritoryo ng bansa ayon sa isang maritime expert

Hinimok ng isang maritime expert ang gobyerno na maging maagap sa pagtunton ng mga foreign vessel na magtatangkang dumaan sa mga katubigang sakop ng pilipinas.

Sinabi ito ni University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Professor Jay Batongbacal sa panayam ng RMN Manila kasunod ng pang-eespiya ng isang chinese navy vessel sa isinagawang amphibous exercise ng Pilipinas at ng Amerika sa Palawan.

Ayon kay Batongbacal, dapat ibuking kaagad ang mga magtatangkang foreign vessel na papasok sa ating teritoryo upang magkaroon sila ng hiya at umatras.


Dagdag pa nito, dapat ding kinokompronta ang mga ganitong insidente ng panghihimasok at sabihing umalis sa teritoryo ng bansa.

Sakaling sumuway at hindi umalis ang naturang vessel ay sinabi ni Batongbacal na may pananagutan ito sa anumang mangyayari matapos nito kahit pa ito ay humantong sa sakitan.

Facebook Comments