Dapat na ring mamuhunan ang Pilipinas sa pagkakaroon ng sariling dynamic positioning vessel na equipped ng Remote Operated Vehicle (ROV).
Sinabi ito Environmental Science Prof. Hernando Bacosa sa gitna ng ginagawang oil spill recovery efforts ng gobyerno matapos na lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ng propesor na malaking tulong ang pag-i-invest sa mga ganitong teknolohiya.
Sa oras kasi aniya na maulit ang kaparehong insidente sa hinaharap, mabilis na makatutugon ang gobyerno.
Dahil kapag may ganitong equipment aniya mahahanap agad ang source ng oil spill, agad itong matatakpan, at agad ring maco-contain ang tumagas na langis.
Facebook Comments