Pilipinas, dapat pakinggan ang mga babala ng ibang bansa ukol sa surge na hatid ng Delta variant – OCTA Research

Pinayuhan ng OCTA Research Group ang pamahalaan na pakinggan ang mga babala ng mga bansang nakakaranas ng COVID-19 surge dahil sa Delta variant.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, malapit nang umabot ang Metro Manila sa surge, lalo na at ang reproduction number ay umakyat na sa 1.35.

Ang mga bansang India, Indonesia, Thailand, Vietnam ay nagpapaabot na ng babala sa Pilipinas.


Iginiit din ni David na ipinapakita lamang niya ang mga datos at wala silang intensyong manakot o magdulot ng alarma o ‘alarmist.’

Ang mga datos at pagtaya na kanilang inilalabas ay batay sa siyensya.

Ina-analyze din niya ang mga datos na nagmumula sa Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, maaaring ikonsidera ng gobyerno na magpatupad ng “flexi” na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila para mapigilang tumaas ang kaso at kumalat ang variant.

Facebook Comments