Inihayag ng isang opisyal sa Department of Energy (DOE) na dapat umiwas ang Pilipinas sa pag-import ng gasolina upang mapababa ang presyo ng langis sa pangmatagalang panahon.
Ayon kay Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau ng DOE na dapat simulan ng bansa ang pagbuo o paggalugad sa suplay ng langis at gas.
Aniya, ang problema rito ay nag-iimport ang bansa ng 300,000 barrels oil equivalent kahit pa na 1% ang demand na humigit-kumulang 104 milyong bariles bawat araw.
Pinakamagandang magagawa umano ng bansa ay ibaba ang pagiging import dependent.
Sa kabilang naman, ikinatuwa ni Abad ang mga kontrata ng petrolyo sa West Philippine Sea at sa rehiyon ng Bangsamoro sa kabila ng mga kinakaharap na hamon sa usaping petrolyo ng ating bansa.
Dahil tumatagal ng humigit-kumulang 10 hanggang 15 taon upang bumuo ng gasolina, idiniin ng opisyal na mahalagang simulan ang mga proyektong ito sa pagsaliksik ng mga langis.