Pilipinas Debates 2022, makakatulong sa publiko na makita kung paano gumanap ang isang kandidato habang nasa ilalim ng pressure – COMELEC

Sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na makakatulong ang Pilipinas Debates 2022 upang makita ng publiko kung paano gumanap ang isang kandidato habang nasa ilalim ng pressure.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, lahat ng presidential candidate ay nangakong dadalo sa debate na inorganisa ng poll body maliban kay Bongbong Marcos.

Matatandaang nagpahayag ng kahandaang dumalo sa naturang debate si Marcos sa pamamagitan ng sulat na ipinadala ng kampo nito sa COMELEC noong February 11 ngunit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang kanyang kampo tungkol dito.


Samantala, sinabi naman ng COMELEC na bagama’t hindi mandatory ang pagdalo ng mga kandidato sa debate ay isa itong oportunidad na makita ng publiko kung paano aaksyon at mamumuno ang isang kandidato sa oras ng pangangailangan.

Facebook Comments