Pilipinas, gagamitin na ang mutual defense treaty sa US sakaling maharap sa existential threat – PBBM

Gagamitin na ng Pilipinas ang mutual defense treaty sa Estados Unidos sakaling maharap ang bansa sa existential threat.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kailangan nang paigtingin ang pagdepensa sa teritoryo ng bansa, dahil patuloy na tumataas ang tensyon sa South China Sea.

Dagdag pa ng pangulo na nananatiling matatag ang suporta ng US sa Pilipinas sa lahat ng aspeto at ipinakikita nito ang commitment sa mga kasunduan.


Gayunpaman, nilinaw ni Pangulong Marcos na gagamitin lamang nito ang baraha kung mahaharap sa existential threat dahil mapanganib aniya kung agad itong hihingi ng tulong kay “big brother” sa oras ng problema.

Sa katunayan ay hangga’t maaari aniya ay iniiwasan nito ang giyera at ang paggamit ng mutual defense treaty sa ngalan ng kapayapaan.

Facebook Comments