Pilipinas – hakot medalya pa rin sa ika-6 na araw ng SEA Games

Hakot medalya pa rin ang mga atletang Pinoy sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Sa ika-anim na araw, maagang nagbulsa ng gold medal si Sandi Menchu abahan para sa women’s individual 5 kilometers by 20 obstacle (5kx20).

Sinundan siya ni Glorien Merisco na sumungkit ng silver medal sa parehong event.


Tumabo rin ng gold at silver medals para sa men’s 5kx20 obstacles sina Mervin Guarte at Sherwin Managil.

Nasungkit naman ni Christine Hallasgo ang ikatlong gold medal ng bansa para sa women’s marathon.

Kahit hinimatay sa finish line, tagumpay namang nadagit ni Mary Joy Tabal ang silver medal sa women’s marathon event.

Hindi rin nagpahuli si Michael Ver Anton Comaling na wagi ng gintong medalya sa modern pentathlon-beach triathlete men’s individual event at si Princess Abrilon na may bronze sa women’s category.

Sa ngayon, tumabo na ang bansa ng 152 medalya: 69 gold; 48 silver at 35 bronze.

Facebook Comments