Pilipinas, handa laban sa Delta variant – Galvez

Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na nakahanda ang Pilipinas sa mas nakakahawang variant ng COVID-19 – ito ay ang Delta variant.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Health (DOH) na opisyal nang nakapasok sa bansa ang Delta variant matapos makapagtala ng 16 na bagong kaso.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inaasahan na nila ang pagpasok ng Delta variant sa bansa ilang buwan ang nakararaan mula nang magkaroon ng outbreak sa India.


Itinaas na aniya ng pamahalaan ang kapasidad ng mga ospital para sa posibleng paglobo ng infections.

Muling paalala ni Galvez sa lahat na sundin ang minimum public health standards para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant.

Mula sa 16 na bagong kaso, 15 ang gumaling at isa ang namatay.

Dalawang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), isa sa Central Luzon, dalawa sa Western Visayas, anim sa Northern Mindanao, at lima mula sa Returning Overseas Filipinos (ROFs) na may travel history mula sa United Arab Emirates (UAE), Qatar, at United Kingdom (UK) at iba pa.

Facebook Comments