
Handa na ang Pilipinas bilang susunod na chairman ng ASEAN para sa pormal na turnover ng chairmanship ng 47th ASEAN Summit mula sa Malaysia sa October 28.
Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Angelica Escalona, gagamitin ng bansa ang pagkakataong ito para ipakita kung paano pamumunuan ng Pilipinas ang rehiyon.
Tututukan ng bansa Ng pagpapatibay ng kapayapaan at seguridad, maritime cooperation, economic integration, at community-building efforts, pati na rin sa pagtugon sa climate change at geopolitical tensions.
Kasama rin sa mga layunin ng chairmanship ng Pilipinas ang pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga MSME sa ilalim ng ASEAN-China Free Trade Area 3.0, at pagpapatibay ng Code of Conduct sa South China Sea para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Itinuturing ng DFA na simbolo ito ng tiwala ng mga karatig-bansa sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba pang miyembro ng ASEAN para sa maayos na pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng samahan.










