Pilipinas, handa na muling magbukas ng mga malalaking negosyo ayon sa isang political analyst

Handa na muli ang Pilipinas na magbukas ng mga malalaking negosyo.

Ito ang paniniwala ni Professor Froilan Calilung, political analyst at faculty member ng University of Santo Tomas (UST) Political Science Department kasunod na rin ng pang-imbita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga dayuhang negosyante mula sa mga bansang pinupuntahan nito para mamuhunan sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Professor Calilung na mahalaga makita na handa na ang mga imprastraktura ng bansa, kung saan naihanda na ito ng dating administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Build, Build, Build (BBB) program at ipinagpapatuloy ng administrasyong Marcos sa pamamagitan naman ng Build Better More (BBM).


Maganda na rin aniya ang internet connection ng bansa at mayroong magagaling na mga work force at skilled worker.

Kaya naman, tiwala si Professor Calilung na hindi magdadalawang-isip ang mga dayuhang negosyante na mamuhunan sa bansa at aniya kailangan na talaga ng Pilipinas ng tulong ng ibang bansa.

Facebook Comments