Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa na ang Pilipinas na harapin ang Deltacron variant na kombinasyon ng Delta at Omicron variants ng COVID-19.
Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje, ito ay base sa karanasan ng bansa sa pagresponde sa pandemya kung kaya’t naniniwala siya na handa na ang bansa na harapin ang isang panibagong variant of concern.
Matatandaang ang Delta variant ay isa sa pinakamapanganib na variant ng COVID-19 habang ang Omicron variant ay isa sa pinakamabilis na makapanghawa.
Samantala, inihayag naman ng IHU Mediterranee Infection sa Marseille na masyado pang maaga para masabi kung mas labis na nakahahawa o kung nagdudulot ng severe disease ang Deltacron.
Nadiskubre ang hybrid variant ng COVID-19 sa isang laboratoryo sa Cybrus noong January na sinasabing resulta ng lab contamination.