Maaari nang makapagsimula ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine clinical trials sa susunod na buwan.
Sa statement ng Department of Health (DOH), puspusan na ang paghahanda ng government agencies sa para sa Phase 3 clinical trials.
Ang inisyatibong ito ay pangungunahan ng Sub-technical Working Group on COVID-19 Vaccine Development ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan chair ang Department of Science and Technology (DOST).
Ang lahat ng applications para sa clinical trials na isasagawa sa bansa ay isusumite sa sub-TWG at ang mga dokumento ay ire-review ng Vaccine Experts Panel at ng Ethics Review Committees.
Grupo ng mga vaccine experts, technical experts at scientists ang mag-e-evaluate at magrerekomenda ng posibleng candidate vaccines sa Pilipinas.
Kapag natapos ang masusing pag-review sa clinical trial applications, isusumite ang mga ito sa Food and Drug Administration (FDA) para sa huling approval.
Sa ilalim ng Phase 3, isusubok ang potential vaccine sa malaking grupo ng tao para malaman kung mabisa at ligtas ito.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tatlong vaccine developers ang nagpadala na ng application para sa posibleng pagsasagawa ng Phase 3 clinical trials sa bansa.
Kabilang na rito ang Gamaleya Research Insititute ng Russa, Janssen Pharmaceuticals ng Johnson & Johnson’s at Sinoval Biotech ng China.
Nasa anim na pharmaceutical firms din ang lumagda ng confidentiality disclosure agreement kung saan ire-review ng vaccine experts panel sa Pilipinas ang resulta ng kanilang Phase 1 at Phase 2 trials.