Pilipinas, handa na sa COVID-19 vaccination

Handa na ang pamahalaan na simulan ang vaccination program nito sa COVID-19 lalo na at inaasahang darating sa susunod na linggo ang initial batch ng vaccine supply mula sa COVAX facility.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang eksaktong petsa kung kailan darating ang first batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.

Pero inaasahang darating ang first batch ng bakuna ng COVAX sa kalagitnaan ng Pebrero.


“Ang sabi po ng COVAX Facility sa kanilang, it will be made available, it will come to us by mid-February. We expect na mabibigyan po tayo ng notice… siguro mga two to three days bago isakay ‘yan sa eroplano para tayo naman po ay makapaghanda sa pagsundo sa airport,” dagdag ni Roque.

Ang unang tranche ng Pfizer-BioNTech vaccines ay inilaan sa mga healthcare workers sa mga sumusunod:

–              COVID-19 dedicated hospitals

–              COVID-19 referral hospitals

–              Department of Health (DOH)-owned hospitals

–              Local government unit hospitals

–              Hospitals for uniformed services/personnel

–              Private hospitals

Facebook Comments