Pilipinas, handa nang maging cashless economy – Roque

Malaki ang naiambag ng COVID-19 pandemic sa pagpapatupad ng cashless economy ng bansa lalo na isinusulong ang distansya sa bawat isa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handa ang bansa na maging cashless society sa harap na rin ng mga pagkabahala na kumakalat ang virus dahil sa physical banknotes.

May mga isinasagawang hakbang ang banking authorities para isulong ang ligtas na digital payment solutions.


Marami na ring local government units ang nagsimulang gumamit ng digital transactions para malimitahan ang contact sa ibang tao.

Magugunitang pasok ang Pilipinas sa 10 bansang sumusuporta sa cashless society, batay sa survey na isinagawa ng money transfer company na MoneyTransfers.com.

Ang Pilipinas ay pang-walo sa pwesto (52%) habang nangunguna sa survey ang India (79%), kasunod ang Malaysia (65%), United Arab Emirates (UAE) na may 63%, Vietnam (60%), Singapore (56%), Italy (52%), Thailand (51%), at Taiwan (48%).

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na nire-review na nila ang kasalukuyang denominational structure sa harap ng transition patungong cash-lite at non-coint society sa bansa.

Facebook Comments