
Nakahanda ang Pilipinas sa epekto ng pagbabago ng trade policies ng Estados Unidos.
Ito ang binigyang-diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan nasa “strong position” umano ang bansa sa anumang magiging epekto nito sa atin.
Ayon kay BSP Deputy Governor Ronald Abenoja, handa sa anumang external shocks ang Pilipinas dahil sa tatlong tinatawag na “buffers”.
Ipinaliwanag ng opisyal na mayroon tayong sapat na international reserves, stable na banking system at ang pagluluwag ng BSP sa monetary policy na nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ginawa ni Abenoja ang pahayag sa 20th Annual Congress ng Professional Insurance and Financial Advisors Association of the Philippines.
Batay sa datos ng US Trade Representative, umabot sa 23.5 billion dollars ang halaga ng naging kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong nakaraang taon.
9.3 billion dollars ang halaga ng mga produktong dinala rito sa Pilipinas habang nasa 14.2 billion dollars naman ang halaga ng inangkat o inimport na produkto sa bansa mula sa Amerika.









