Pilipinas, handa sakaling humirit ng panibagong search & rescue team ang Türkiye

Nakahanda ang pamahalaan saka-sakaling humirit ng panibagong search and rescue team ang Turkish government.

Ito ay kasunod ng nangyaring magnitude 7.8 na lindol na tumama sa nasabing bansa.

Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Joint Information Center Head Diego Mariano, bagama’t wala pa silang binubuong panibagon team o 2nd batch ng inter agency contingent, ay mayroon naman aniyang naka standby na pwersa.


Sa katunayan, marami ang interesadong pumunta sa Türkiye na search and rescue teams mula sa AFP, PNP maging sa iba’t ibang LGUs pero kinakailagan pa nila ng basbas mula sa gobyerno ng Türkiye at maging kay Pang. Bongbong Marcos Jr.

Maliban dito, sakali mang aprubahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang apela ng Syria ay may nakahanda din silang team na ide-deploy doon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang search & rescue operations ng Philippine Inter Agency Humanitarian Contingent sa Adiyaman, Türkiye.

Base sa pinakahuling report, nasa humigit kumulang 29,000 na ang nasawi sa malakas na pagyanig sa 2 nabanggit na mga bansa.

Facebook Comments