Pilipinas, handang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan

Nakahandang tumulong ang Pilipinas anumang oras sa mga naapektuhan ng 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang official X account.

Ayon kay Pangulong Marcos, gagawin aniya ng pamahalaan ang lahat para maipabot lamang ang tulong sa mga Pilipino sa Taiwan, ganitong mahirap na sitwasyon.


Batid aniya nito ang hirap na nararanasan ng mga tao sa Taiwan matapos ang malawakang pinsala na idinulot ng pagyanig.

Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na kumikilos na ang Department of Migrant Workers (DMW) para masiguro ang kaligtasan ng 159,480 na Pilipino sa Taiwan.

Facebook Comments