Pilipinas, handang magpadala ng mga manggagawang Pilipino sa Saudi Arabia para sa hosting ng 2034 FIFA World Cup

Mangangailangan ang Saudi Arabia ng mga manggagawang Pilipino para sa nakatakda nitong pagho-host ng 2034 FIFA World Cup.

Sa farewell call sa Malacañang, sinabi ni Saudi Ambassador Hisham Sultan Abdullah Alqahtani na partikular na kakailanganin ang mga Pinoy sa pagtatayo ng mega projects sa Jeddah at Northern Saudi, at sa rail at line projects.

Tugon naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakahanda ang Pilipinas na magpadala ng mga mangagawang Pinoy sa bansa Arabia kung mayroon lang ding workforce na maaaring ipadala.


Ibinida rin ng Pangulo ang galing ng mga manggagawang Pinoy na naging bahagi sa pag-unlad ng Saudi Arabia sa nakalipas na 40 taon.

Isinulong din nito ang pagpapalawak pa ng relasyon ng dalawang bansa sa iba pang areas of cooperation at nagpasalamat sa suporta ng Saudi at ng organization of Islamic cooperation sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region kaakibat ng nalalapit na BARMM Parliamentary Elections.

Facebook Comments