Nakahanda ang pamahalaan na magpatupad ng pagbabago sa mga regulasyong ipinatutupad nito na may kinalaman sa pagnenegosyo alang-alang sa kapakanan ng mga mamumuhunan.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng pagpupursigeng makahikayat ng mga investors na mamuhunan sa bansa.
Ayon sa pangulo, handang padaliin ng Pilipinas ang pagpo-proseso sa mga requirements na itinatakda sa pagne-negosyo sa bansa gaya ng documentation at ilang procedures.
Maging aniya ang structure sa aspeto ng lehislatura ay nakahanda ang gobyerno sabi na magsagawa ng pagbabago para sa kapakanan ng mga negosyanteng gustong mag-invest sa bansa.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na alam nila ang pangangailangan ng mga potential investors at gagawin aniya ng gobyerno ang lahat para sa posibleng partnership ng pamahalaan at ng mga nasa pribadong sektor sa ilalim ng Private Public Partnership (PPP).