Handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Russia para sa clinical trials para sa bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol Robert Borje, ang proposed Philippines-Russia cooperation para sa vaccine development ay kailangang naaayon sa testing at health standards upang matiyak na ligtas at mabisa ito.
Bukod sa clinical trials, makikipagtulungan din ang Pilipinas para sa vaccine supply at production.
Mahalaga ang international cooperation para sa epektibong paglaban sa pandemya.
Matatandaang pinasalamatan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin sa pagsu-supply ng bakuna sa Pilipinas.
Facebook Comments