Manila, Philippines – Isusulong ng Pilipinas sa buong Association of Asian Nationas na maisama ang butanding sa listahan ng mga wildlife species na dapat pangalagaan.
Ang Pilipinas ang punong abala sa 12th Session of Conference of Parties to the Convention on the Conservation of Migratory Species of Wild Animals (CMS) na dinaraos sa Philippine International Convention Center o PICC.
Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mahigit isang libong mga bansa upang mapag-usapan ang pangangalaga ng mga migratory species na patuloy na nanganganib sa pagkakaubos dahil sa pangangaso, polusyon, panghuhuli, pagkasira ng kanilang tirahan, at marami pang iba.
Sinabi ni Cimatu na pagkakataon ito upang maisama sa panawagan ang proteksyon sa migratory sites ng Whale shark Rhincodon typus o mas kilala sa tawag na butanding.
Ang butanding na binansagang gentle giant’ ay nagpasigla sa turismo sa ilang probinsya tulad ng Sorsogon.