Pilipinas, hindi aabot sa recession – DBM

Tiwala si Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman na hindi aabot sa recession ang Pilipinas.

Ito ang sagot ni Pangandaman nang matanong kung ano ang impact sa ekonomiya ng babala ng ilang ekonomista tungkol sa posibleng recession.

Paliwanang ng kalihim, mayroong nakalatag na Medium-Term Fiscal Framework ang economic team at socioeconomic agenda kung saan naka-angkla ang national budget.


Tinukoy nito na ang P5.268 trillion para sa susunod na taon ay para sa target na kasaganahan ng administrasyong Marcos.

Partikular na tutukan aniya rito ang pagkamit ng short-term macro-fiscal stability habang sinusuportahan ang pagbangon ng ekonomiya.

Kabilang naman sa 8-point Socioeconomic Agenda ang food security, pagpapahusay ng transportasyon, mura at malinis na enerhiya, health care, social services, at edukasyon

Sinabi pa ng kalihim, target na matugunan dito ang inflation, unemployment at mababang sahod.

Facebook Comments