Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aasenso ang bansa tulad ng Hong Kong.
Ito ay kung mananatiling problema ang korapsyon at hindi maaayos ang law and order sa bansa.
Aniya, magdudusa pa rin ang bansa sa kahirapan kapag hindi nasolusyonan ang korapsyon at kriminalidad.
Kinilala rin ng Pangulo ang Pilipinas bilang isang agricultural country.
Nangako si Pangulong Duterte na maglalaan siya ng dagdag na pondo para sa development ng sektor ng pagsasaka.
Aminado ang Pangulo na mas nais niyang gamitin ang pondo sa pagbili ng fertilizer at seedlings sa halip na gastusin ito sa baril at bala.
Facebook Comments