Pilipinas, hindi alipin ng China – Palasyo

268

Hindi magiging alipin ninuman ang Pilipinas.

Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pahayag na tila alipin ang mga Pilipino ng China.


“Parang alipin ng China” at “walang karapatan sa sariling nasasakupan” ang panaghoy ng may-ari ng bangka ng mga Pilipinong mangingisda na binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank.

Giit ni Panelo, hindi papayagan ng pamahalaan ang anumang pag-atake sa soberanya dahil iyon ang polisiya.

Dagdag pa niya, hinihintay lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Chinese government at tiniyak na nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang administrasyon.

22 mangingisdang Pinoy ang ilang oras nasa dagat matapos banggain ng Chinese vessel ang FB GEM-VER, na sinaklolohan ng mga mangingisdang Vietnamese.

Facebook Comments

From Advertisers