Hindi bibitawan ng Pilipinas ang interes nito sa West Philippine Sea (WPS) para lamang makakuha ng bakuna kontra COVID-19 mula sa China.
Sa pagdinig ng Senado kahapon sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Jr., na dapat munang isantabi ang isyu ng Pilipinas sa China kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo dahil nasa gitna pa ng pandemya ang buong mundo.
Suportado naman ni Senator Risa Hostiveros ang tugon ni Galvez at iginiit na bagama’t bibili ang Pilipinas ng bakuna mula sa China ay isasantabi na ang karapatan sa WPS.
Kasunod nito, sinabi ni Galvez na ibinabatay sa siyensya ang pagkuha ng bakuna at hindi dahil sa iba pang konsiderasyon.
Facebook Comments